Ibalik Ang Panahon Lyrics

by Kyla

Hanggang kailan mananabik
Hanggang kailan magtitiis
Kay hirap ng nadarama
Lagi na lang nag-iisa

Aasa pa kaya ako
Nalunod na sa pangako mo
Maghihintay pa ba akong
Dumating pag-ibig mo sa kin hmm…

Mayron kayang pag-asa pang
Damhing muli ang tuwa at saya
Sana'y wag nang matapos pa
Sakali mang makasama kita

Mangangarap na lamang ba
Ako pa ba'y nasa puso sinta
Iniisip pa ba ako
O sadyang nalimutan mo na

Nagkait man ang panahon
Sa tamis ng kahapon
Alam kong ikaw rin noon
Sa pag-ibig natin, nagpilit sagipin

Ibalik ang panahon
Na ikaw lang at ako
Nasaan ka man ngayon
Wag sanang limuting ika'y aking mahal



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics