Nag Iisa, Wala Ka Na Lyrics

by Noel Cabangon


Papalubog na naman ang ilaw
Nagpapaalam na naman ang araw
Ang gabi ay muling mamayani
At ang lamig ay hahaplos sa pisngi


Ilang araw na ang lumipas
Magmula nang ika'y magpaalam
Ilang gabi na ang nagdaraan
Ang pag-iisa'y 'di na 'di na makayanan


Ngunit kailangan kong indahin ang lamig ng gabi
Ngunit kailangan kong tanggapin wala ka na sa tabi
Nag-iisa, wala ka na
Wala ka na, nag-iisa


Ala-ala'y nagbabalik sa aking isip
Mga larawan ng bawat sandali
Pag-ibig nating sinumpaan
Ipinangako sa liwanang ng buwan


Ngunit kailangan kong indahin ang lamig ng gabi
Ngunit kailangan kong tanggapin wala ka na sa tabi
Wala ka na, nag-iisa
Nag-iisa, wala ka na


Ngunit kailangan ko nang masanay
At tanggapin na lumisan ka na ng tunay
Ang lahat lahat ay bubuti ang pag-ibig ay mananatili
Langit, lagi hanggang sa walang hanggan.

 



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics