Original Song Lyrics

by Parokya Ni Edgar


Nagbibilang ka nanaman
Ng kinita mo nung huling buwan
Eh mabuti pa mag-gitara ka
Gumawa ka ng magandang kanta


Sapagkat kaya kayo'y naging sikat
Bukod sa ilong mong medyo sarat
At sa katawang ubod ng payat
Ay sa awit niyong trip ng lahat


Ng mga gagong katulad niyong
Nag-eenjoy lang sa mundo
Ngunit kahit na ganito
Hindi kayo nanggugulo


Matino ngunit sira ulo,
Pilyo ngunit maginoo
At para makapag umpisa
Sa Chorus magsisimula


Mahirap gumawa ng kanta
Lalo na kung kailangang kumita
Pagkat ayokong maghanap ng trabaho
Habangbuhay magbabanda ako


Para may chicks
Para may pera
Para may libreng sprite at vodka
Para may toys
At saka comics
Para may dvd ng classics


Para may boys, este para sa boys
At sa lahat ng mga kolokoy
Para gising hanggang alas otcho
Para tulog hanggang alas kwatro


Mahirap gumawa ng kanta
Lalo na kung wala nang maisip
Eh andaya naman kung manggaya na lang
Kailangan original song
Kailangan, kailangan
Kailangan original song


Nagsimula ang lahat sa eskwela
Dahil walang ibang magawa
Mula pagkabata, hanggang mag-asawa
At mag-assemble ng pamilya


Hanggang tumanda
Hanggang atakihin
Wala nang iba pang nanaisin
Kundi ang magbanda at saka kumanta
Rock en roll hanggang mamayapa


Mahirap gumawa ng kanta
Lalo na kung kailangang kumita
Pagkat ayokong maghanap ng trabaho
Habangbuhay magbabanda ako

 



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics