Salamat Po Lyrics

by Parokya Ni Edgar


VERSE 1
Masarap tumunganga, halika na,
Di mo na kailangan pang magsalita,
Parang blessing kung wala kang magawa,
Titingin ka lang sa langit at kakanta


REFRAIN
Tungkol sa dampi ng araw, at sa haplos ng hangin,
At sa halik ng alon sa pisngi ng buhangin,
Tanawing kay ganda, parang sinasadya,
Mapapahanga ka sa lumikha,
Kung sino man kayo, salamat po.


VERSE 2
Ang sarap lang tumambay at magsama-sama,
Parang mamamatay na tayo sa kakatawa,
Masarap ding tumambay na mag-isa,
Hihiga ka lang sa kama at kakanta


REFRAIN
Tungkol sa agos ng buhay at sa daloy ng tadhana
At sa nakakalunod na pagbuhos ng biyaya,
Wala’ng lahat ng ito kung ‘di dahil sa’yo,
Alam ko na ikaw ay totoo,
Kung sino man kayo, kung nasa’n man kayo
Kung sino man kayo, salamat po.



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics