29 Lyrics

by Razorback


Sumandal ka sa pader na pinagkakatiwalaan mo. Gawa ito sa bato.
Matibay ngunit malakas ang kapit na nakikita ko ngayon.
Matuto kang bumitaw at tumayo.
Bente nuwebe ka na. ‘Wag mag-alala. Aabot ka sa trenta.


Jack, Reyna, Hari o Alas, paminsa’y kapit mo’y butas.
Kamay mo’y nagdurugo sa lahat ng nagawa mo.
Bumangon ka’t gawin ginto ang bato…
Nakaupo sa gilid ng mundo….


Patay-sindi ang apoy. Hinihipan ng hangin.
sa palapag ng bente nuwebe manhid ang damdamin.


Minsa’y nasa taas. Madalas nasa baba.
Nakapako sa roleta, paikutin na…
Huwag ilagay ang buhay sa kamay ng tadhana.
Sandalan mo’y sumasandal, ikaw nang bumitaw.


Patay-sindi ang apoy. Hinihipan ng hangin.
sa palapag ng bente nuwebe manhid ang damdamin.


Ngayo’y nakatayo sa palapag ng bente nuwebe
Isang hakbang na lang… trenta na, aabot ka.
Mahirap lang nga ang mag-isa
Lahat naman tayo’y maglalaho ng mag-isa.


Patay-sindi ang apoy. Hinihipan ng hangin.
sa palapag ng bente nuwebe manhid ang damdamin.

 



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics