Misteryo Lyrics

by Sarah Geronimo

Di na mahanap ang kasagutan, natutuliro ang isip
Binabagabag ng katanungan ang mapagbirong pag-ibig
May ibig sabihin ba kung parang kayo

Pero wala lang, ano bang kaugnayan
Sino bang di mahihirapan
Pag-ibig na kaya lang, wala nang katiyakan

(teka muna) para bang akdang baybayin
(teka muna) na di ko magawang basahin

Naririto, nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig
Naririto, nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso
Ohh...
Ito'y palaisipang misteryo

Sino bang dapat sisihin
Marahil mali rin na mahulog
Sino bang may sabing isipin kita
Sa paggising hanggang pagtulog
Di ko batid kung kasalanang bigyang kahulugan
Ang tamis na naranasan
Kaya ngayon ay nangangapa lang
Kung may mapapala o hanggang dito na lamang

(teka muna) para bang akdang baybayin
(teka muna) na di ko magawang basahin

Naririto, nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig
Naririto, nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso
Ohh...
Ito'y palaisipang misteryo

Parang talinhagang hindi ko mabatid
Para bang hiwagang kagitlahanan ang hatid
Kahit na pilitin ko
Gulung-gulo ang isip ko
Ohh...
Ito'y palaisipang misteryo

Naririto, nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig
Naririto, nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso
Ohh...
Ito'y palaisipang misteryo
Oh woah oh woah oh woah
Pag-ibig ay sadyang
May nakakabit daw
Na palaisipang misteryo
Ohh...
Whoa whoa
Isang misteryo



Genres & Moods
Advertisement

Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics