Alaws Arep Lyrics

by Siakol


Laging laman ng tindahan
Naghihintay ng daraan
Maghihingi lang ng piso
Pambili ng sigarilyo


Maghahanap ng trabaho
Kahit ano papasukin ko
Di matanggap kahit waiter
Mukha raw akong holdaper


Alaws arep lagi sa araw araw
Dehins tuloy ako makapanligaw
Uuwi na lang ako sa amin
Magdadasal na lang ng ama namin


Mangungutang ng ulam
O diyos ko tuyo na naman


Isama nyo na ang yelo
Ng lumamig naman ang ulo ko


Busog na sa problema
Mayaman sa alala
Puno ng kalungkutan
Wala na bang katapusan


Alaws arep lagi sa araw araw
Dehins tuloy ako makapanligaw
Uuwi na lang ako sa amin
Magdadasal na lang ng ama namin


Alaws arep lagi sa araw araw
Dehins tuloy ako makapanligaw
Uuwi na lang ako sa amin



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics