Hiwaga Lyrics

by Siakol


Mag isang naglalakad
Isipan ay lumilipad
Iba't ibang klase ng tao
Ang nasasalubong ko
At mag isang tumatawa
Sa kalokohang naaalala
At laging naka buntot
Ang hiwagang bumabalot


Kung sakaling makita mo
pwede bang tapikin mo ako
At kung sakaling matauhan
Pwede mo ba akong samahan
At pwede mong baguhin
Ang tinatakbo ng kwento
Ng buhay ko...


Magisang nangangarap
Nababalutan na ng ulap
Ibat ibang klase ng tao
Ang nasa paligid ko
At mag isang tinatanaw
Ang papalubog na araw

 



Genres & Moods
Advertisement

Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics