Tropa Lyrics

by Siakol


Kwentuhan na kabulastugan
Hindi malilimutan ang asaran
Na mayroong pikunan


Lalo na rin ang unang niligawan
Unang kabiguan
At dyan nagseseryoso ang usapan
Ang pagdadamayan


Nang tunay at tapat na
Kaibigan
O mga buang
Kaibigan
Lubhang maaasahan
Ooohhh


Di na tayo pabata
Edad mo di nahahalata
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa


Pero kahit ganun
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
Tiyak may kwela
Yan ang aking mga tropa...


Inuman na pangmagdamagan
Minsan inaabot pa ng ayaan
Na kung saan-saan


Na para bang walang kinabukasan
At kahahantungan
At dyan nagseseryoso ang usapan
Ang pagpapayuhan


Nang tunay at tapat na
Kaibigan
O mga baliw
Kaibigan
Namang nakakaaliw
Ooohhh


Di na tayo pabata
Edad mo di nahahalata
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa


Pero kahit ganun
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
Tiyak may kwela
Yan ang aking mga tropa...


Di na tayo pabata
Edad mo di nahahalata
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa


Pero kahit ganun
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
Tiyak may kwela
Yan ang aking mga tropa


Di na tayo pabata
Edad mo di nahahalata
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa


Pero kahit ganun
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
Tiyak may kwela
Yan ang aking mga tropa...

 



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics