Wala Kang Katulad Lyrics

by Sponge Cola


Tanging ikaw lang
Ang minamasdan ko
Nakatuon buong pansin ko
Sa bawat galaw,
Sa bawat paglipat


Marahil minsan ika'y
Nasisilaw rin
Kibit-balikat bawat ningning
Wala kang sablay
Magbago mang kulay


(CHORUS:)
Nakahihigit man ang ilan
Ikaw lang aking inaasam
Wala na akong iba pang kailangan
Wala kang katulad


Bago pa man
Tuluyan na magdilim
Igawad kahit kaunting pansin
Punan ang patlang
Sa ating pagitan


Nakahihigit man ang ilan
Ikaw lang aking inaasam
Wala na akong iba pang kailangan
Wala kang katulad


Nakabinbin
Sa 'yong pagtitig
Pangako ng nakalaang pag-ibig
Asahan mong
Ako'y maghihintay


Nakahihigit man ang ilan
Ikaw lang aking inaasam
Wala na akong iba pang kailangan
Wala kang katulad


Nakahihigit man ang ilan
Ikaw lang aking inaasam
Wala na akong iba pang kailangan
Wala kang katulad

 



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics