Insomya Lyrics

by Sugarfree


Ala-singko na pala ng umaga
Kanina pa nakatunganga
Walang malambot na kama
Sa killer kong insomya, baby


Nananabik na muling tawagin ng antok
Nananabik na muling tawagin ng hilik


'Di ko alam kung ba't ako nagkaganito
'Di ko alam kung ba't ako nagkaganito


Ilang oras na ring nakahiga
Pagulong-gulong sa aking kama
Parang modelo kung makapwesto
Mahirap ang maging ganito


Gising na ang aking nanay
Gising na ang aking tatay
May ilaw na sa bahay
Ngunit bakit malungkot ang aking buhay