Mundong Malungkot Lyrics

by Sugarfree


Kung tulog ka pa, 'wag ka munang gumising
Kung ikaw ay mahimbing
Sa iyong pansamantalang mundo
At ika’y malayo sa gulo
Baka 'di mo makayanan ang iyong mga pagmamasdan


(CHORUS:)
O, dito sa aking mundo
Ay puno ng galit at sakit
At 'di mo maitatago ang mga luha mo
Sa malungkot kong mundo


Kung gising ka na, 'wag ka munang bumangon
D'yan ka lang, dahil sa labas
Umuulan ng dugo at luha
D'yan ka lang, ipikit mo ang mga matang
'Di makayanan ang kanilang mga pagmamasdan


O, dito sa aking mundo
Ay puno ng galit at sakit
At 'di mo maitatago ang mga luha mo
Sa malungkot kong mundo