Iisang Bangka Lyrics

by The Dawn


Kay dilim at kay ginaw sa kalawakan ng dagat
Ubod lakas kung humiyaw ang galit na hanging habagat
Ngunit buo ang puso mo'ng ang daluyong ay susugurin
Magkasama tayong katahimika'y hahanapin


Saan ang tungo mo mahal ko'ng kaibigan
Saan sasadyain hanap mo'ng katahimikan
Basta't tayo'y magkasama laging sasabayan kita
Pinagsamaha'y nasa puso kaibigan kabarkada
Iharap natin ang layag sa umaawit na hangin
Kapit-bisig tayong ang gabi ay hahawiin


CHORUS 1:
Dahon ng damo, tangay ng hangin
At di mo matanaw kung saan ka dadalhin
Ngunit kasama mo ako, nakabigkis sa puso mo
Daluyong ng dagat ang tatawirin natin


Saan ang tungo mo mahal ko'ng kaibigan
Saan sasadyain hanap mo'ng katahimikan
Basta't tayo'y magkasama laging sasabayan kita
Pinagsamaha'y nasa puso kaibigan kabarkada
Iharap natin ang layag sa umaawit na hangin
Kapit-bisig tayong ang gabi ay hahawiin


CHORUS 2:
Ating liliparin, may harang mang sibat
Ating tatawirin, daluyong ng dagat
Basta't kasama mo ako, iisang bangka tayo
Anuman ang mithiin ay makakamtan natin


Ating liliparin, may harang mang sibat
Ating tatawirin, daluyong ng dagat
Basta't kasama mo ako, iisang bangka tayo
Anuman ang mithiin ay makakamtan natin



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics