Stokwa Lyrics

by The Teeth


Laging ‘di mautusan
Gabi na kung umuwi ng bahay
‘Pag naman napapagalitan
Ayaw sumabay sa hapunan


Sa isip mo’y walang nagmamahal sa iyo
Barkada lang ang naging takbuhan mo


Sisibat na ako dito
Tingnan ko lang kung matitiis mo
Maglalayas na ako
Pigilan n’yo naman ako


Mga stokwa
Umuwi na kayo
Mga stokwa
Handa nang hapunan ninyo
Mga stokwa
Naghihintay n’ang magulang n’yo
Mga stokwa


Nasa disco nang kalimitan
Panay alembong at sosyalan
Pag-uwi ng sariling tahanan
Napagsarhan ng pintuan sa isip mo walang nagmamahal sa ‘yo
Barkada lang ang naging takbuhan mo



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics