Kakanta Lyrics

by The Youth


Noong bata pa ako
Mahilig akong makinig ng mga kanta
Iba’t ibang klaseng mga kanta
Ang mga naririnig ko


Sapagkat merong kantang nakakatuwa
At meron ding nakakainis
At meron ding nakakaiyak
At meron ding nakakabingi


Pag gising ko sa umaga
Marami akong naririnig
Ibang ibang klaseng ingay
Ang nasa aking tabi
At meron ding para sa tanghali
At meron ding mga kanta sa gabi


Kaya’t kakanta na lang kami (sa isang tabi)
Kakanta na lang kami (sa isang tabi)
Kakanta na lang kami sa isang tabi


At kung ayaw mong magpatabi
Ako na lang ang tatabi
At kung ayaw mong magparaan
Ako na lang ang magbibigay ng daan


Sabi ng nanay ko, wag makikinig ng radyo
Sapagkat ito raw ay nakasisira ng ulo
Gulong-gulo ang isip ko
Sapagkat gusto ko pa rin makinig ng radyo
At masubaybayan ang mga awiting gusto ko


Kakanta na lang kami (sa isang tabi)
Kakanta na lang kami (sa isang tabi)
Kakanta na lang kami sa isang tabi


At kung ayaw mo, ayaw nyo
Ayaw nyong mag-ingay
Ayaw mo, ayaw nyong makinig


At kung ayaw mo pa rin, ayaw na ninyo
Ayaw nyong marinig
Ayaw nyong makinig, ayaw nyong marinig
Itong awitin namin sa inyo


Kakanta na lang kami


Kung ayaw nyong umibig
Kung ayaw nyong magmahal
Kung ayaw nyo, oohh
Aahh



Genres & Moods
Advertisement

Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics