Tao Po Lyrics

by The Youth


Tao po, tao po, nandyan ba kayo?
Ako’y kapitbahay dyan sa kabilang kanto
Tatanong ko lang kung katropa mo
Yang tumutugtog ng instrumento


Pedro, pedrita nabibingi ba kayo?
Dahil ang ingay na ng katropa mo
Kasama na ang kakosang may kapilyuhan
Minsa’y pinag-aaway pa ang hiphop at metal


Tao po, tao po, nagtatanong lang po
Kasama ba ang tropa mo sa banda’t combo-combo?


Noong isang araw ay aking natanaw
Yang barkada mo may kargang gitara
Magpapraktis daw, front act sila sa fiesta
Para sa bandang hit na hit sa masa


Nabalitaan ko, nanalo yang tropa mo
Sa battle of the bands, record contract ang premyo
Major label daw, pati sa compilation
Yan na po ngayon ang state of the nation



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics