Willy Garte

Si Willy Garte (namatay noong Setyembre 6, 1998 sa Lungsod ng Pasay) ay isang Pilipinong mang-aawit at manunulat ng kanta na sumikat noong dekada 1990. Isa siyang bulag na mang-aawit na nagpasikat ng mga kantang Bawal na Gamot, Nasaan ang Liwanag, Kay Lupit ng Tadhana, at iba pa. Ipinanganak si Willy Garte sa bayan ng, Samar. Nabulag siya habang nasa edad na tatlong taon pa lamang, kaugnay ng pagkakaroon ng sakit na tigdas. Bumuo siya ng isang banda sa Samar na nagtagal ng sampung taon at tinangkilik naman sa Samar, Leyte at mga kalapit na bayan. Bilang mahusay na artista, ikinintal at tinaguyod ng Universal Records ang kaniyang tinig, mga awitin, at talento sa musika, na nagresulta sa isang album na kinapapalooban ng kantang Nasaan Ang Liwanag. Nagkamit ng dobleng platinum ang album na ito. Isa siya sa mga naunang artista na may kapansanan sa mata tulad ng pagkabulag na nagtamo ng adhikain maipamahagi ang kaniyang talento sa pag-awit at naparangalan sa ganitong pamamaraan. Naikuwento ang makulay na buhay ni Willy sa palabas ng GMA 7 na Magpakailanman. Ginampanan ni Ariel Rivera ang katauhan ni Willy Garte.

Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics