Sandata Lyrics

by Wolfgang


I
Ako ang bunga ng bagong siglo
Anak ng hirap, luha at abo
Ang inyong mithiin ang nabigay buhay sa akin


(Hoy!Hoy!)


Sa bawat sulok may bagong kalaban
Sa bawat sandali may bagong hadlang
'Di sumusuko 'di matatapakan
'Di luluhod at walang iiwasan


(CHORUS:)
Ako ang simula ng pagbabago
Ako ang susi sa pangarap mo


II
Parusa, pasanin pabigat sa damdamin
Kahit inosente pinipilit umamin
Walang mapuntahan, walang mataguan
Isang himagsikan lang ang kailangan


(CHORUS II:)
Ako ang simula ng pagbabago
Ako ang susi sa pangarap mo


Kasangga mong wagas ngayon hanggang bukas
Kaalyado mong tunay sa tuwid na landas
Matibay ang loob, kagitingang likas
Ako ang katarungan 
Ang sandata mo


(BRIDGE:)
Larawan na walang mukha
Pintado ka ng galit at luha
Pinilit kang itapon
Sa paglipas ng mga taon
Gumising ka't bumangon
Oras mo'y padating ngayon


ADLIB......


III
Masdan mo ang pagyanig ng lupa
Pagsubok sayo ng lahat ng bathala
Sa iyong kamay, lahat nakasalalay
Itaas mo sa langit ang tanglaw ng tagumpay


(CHORUS III:)
Ako ang simula ng pagbabago
Ako ang susi sa pangarap mo


Kasangga mong wagas ngayon hanggang bukas
Kaalyado mong tunay sa tuwid na landas
Matibay ang loob, kagitingang likas
Ako ang katarungan 
Ang sandata mo (mo)

 



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics