Kumusta Na Lyrics

by Yano


Kumusta na, ayos pa ba
Ang buhay natin, kaya pa ba
Eh kung hinde, paano na
Ewan mo ba, bahala na?


Napanood kita sa tv, sumama ka sa rali
Kasama ang mga madre, pinigilan mga tangke
Umiiyak ka pa sa harap ng mga sundalo
Namigay ka pa ng rosas na nabili mo sa kanto


Dala-dala mo pa, estatwa ni Sto. Nino
Eskapularyo't Bibliya, sangkatutak na rosaryo
At sa gitna ng edsa, lumuhod ka't nagdasal pa
Our Father, Hail Mary from thy bounty thru Christ our Lord amen


Pebrero, bente-sais nang si Apo ay umalis
Ngiti mo'y hanggang tenga sa kakatalon, napunit a'ng pantalon mo
Pero hindi bale, sabi mo, marami naman kame
Kahit na amoy pawis, tuloy pa rin ang disco sa kalye


Nakita kita kahapon, may hila-hilang kariton
Huminto sa may Robinson, tumanga buong maghapon
Sikat ka noon sa tibi kase kasama ka doon sa rali
Pero ngayo'y nag-iisa, naglalakad sa may edsa


Ewan mo ba, bahala na
Bahala na, bahala na

 



Genres & Moods
Advertisement

Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics