Time In Lyrics

by Yeng Constantino


Ako ang bida ngayon
(Masyado kang ambisyosa)
Wag kang kokontra kung ayaw mong masipa sa mukha
(Kung kaya, e di subukan na)
Masipa sa mukha
(Sipain din sa mukha)


Ako ang bida ngayon
(Hanggang pangarap ka na lang)
Sa porma kong artista, daig ko pa si Nora at si Vilma
(Wag ka nang umasa pa)
Si Nora at si Vilma
(Ilusyunada ka)


(REFRAIN:)
Dahil
Ngayong gabi, ako'y titingalain
Ngayong gabi


(CHORUS:)
Ako si Darna, ako ang dyosa
Ako ang talang nagniningning sa kalangitan
Ako si Wonder Woman, ako ang superstar
Akin ang sandali, ako ang reyna ng gabi


Ikaw ang bida ngayon
(Ako na nga ang bida ngayon)
Ang mga kababaihan, silaw sa iyong kagandahan
(Pinagmamasdan)
Isang prinsesa sa bintana na hinaharana
Ika'y pang-Miss Universe na


Dahil
Ngayong gabi, ako'y titingalain
Ngayong gabi


Ako si Darna, ako ang dyosa
Ako ang talang nagniningning sa kalangitan
Ako si Wonder Woman, ako ang superstar
Akin ang sandali, ako ang reyna ng gabi


Hanggang kailan kaya
Ikaw si Cinderella
Hanggang kailan kaya
Hanggang kailan kaya


Alas-nuebe na, traffic pa
Kailangan ko nang magmadali
At magta-time in pa
Male-late na naman ako
Sa trabaho kong ito
Siguradong sabon ang aabutin ko
Sa aking among gwapo
Na hindi ko kayang abutin
Hanggang tingin na lamang ba ako
Sa aking Prince Charming


Ngunit
Malapit na, magugulat ka


Ako si Darna, ako ang dyosa
Ako ang talang nagniningning sa kalangitan
Ako si Wonder Woman, ako ang superstar
Akin ang sandali, ako ang reyna ng gabi


Reyna ng gabi


Ako si Darna
Ay, cinderella pala

 



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics